Connect with us

Aklan News

Pook Integrated School nilooban, suspek sapul sa CCTV

Published

on

NILOOBAN ng hindi pa nakikilalang kawatan ang Pook Integrated School pasado alas-11:30 ng gabi nitong Huwebes.

Ayon sa utility ng eskwelahan, napansin nito kaninang alas-7 ng umaga na sira na ang grills sa bintana ng principal’s office.

Kaya tiningnan nila ito at tumambad sa kanila ang mga nakakalat na dokumento sa loob ng opisina.

Ayon sa mga staff ng eskwelahan, ito na ang pangatlong beses na ninakawan ang paaralan.

Una umanong pinasok ang school canteen noong Agosto kung saan nalimas ang lahat ng kita at paninda at sinundan pa ito noong Setyembre.

Kaugnay nito, makikita sa mga kuha ng CCTV ang isang lalaking umaligid sa labas ng opisina at may takip na tela sa ulo.

Sa ngayon ay patuloy pa ang imbestigasyon ng Kalibo PNP at inaalam pa kung ano ang mga natangay na gamit ng suspek pati na ang pagkakakilanlan nito.