Connect with us

Aklan News

Misis tinaga ng sariling mister sa leeg

Published

on

Tinaga sa leeg ng isang mister ang kanyang sariling misis kahapon sa Bagongbayan, Buruanga.

Batay sa impormasyong nakalap ng Radyo Todo, palagi umanong nagwawala kapag nakainom ang mister.

Nagkaroon pa umano ng sagutan sa gitna nang mag-asawa hanggang sa kumuha ng itak ang mister at dito na tinaga ng isang beses sa leeg ang kaniyang misis.

Isinugod sa Buruanga Municipal Hospital ang misis dahil sa tinamong sugat at kalauan ay inilipat sa Motag Malay Hospital.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Buruanga PNP ang mister para sa karampatang disposisyon.