Connect with us

Aklan News

18 pulis ng Aklan PNP na may kamag-anak na tatakbo sa 2025 midterm elections, pansamantalang inilipat ng pwesto

Published

on

PANSAMANTALANG inilipat ng assignment ang 18 PNP personnel sa Aklan na may mga kamag-anak na tatakbo sa 2025 midterm elections.

Ayon kay PLTCOL. Arnel Solis, tagapagsalita ng Police Regional Office (PRO) 6 ang mga ito ay may mga kamag-anak na hanggang 4th degree na antas ng relasyon.

“[…] ang dira sa Aklan, 18 ka police personnel naton nga ginsaylo anay naton halin sa ila present unit assignment pakadto sa iban nga banwa, considering nga may ara sila relatives  nga nagapadalagan,” pahayag ni PLtCol. Solis.

Paglilinaw pa ng opisyal, ang naturang mga pulis ay ililipat lamang ng municipal police station na malayo sa lugar kung saan mayroon siyang kamag-anak na tatakbo sa halalan.

“Ining 18, dira lang ina maga-tiyog sa Aklan kung sa diin from municipality A saylo lang siya didto sa municipality B or municipality C kung sa diin ipahilayo lang siya anay sa lugar diin nga may ara siya relatives nga nagapadalagan,” dagdag nito.

Ang hakbang na ito ng PNP ay para maiwasan ang pagkakasangkot ng mga pulis sa partisan politics.