Sa isang panayam, sinabi ni Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) prosecutor Darwin Cañete na kasama si Roque sa may mga aktibong partisipasyon sa mga iligal na aktibidad ng Lucky South 99.
Mayroon umanong testimonya mula sa assistant vice president ng PAGCOR (Philippine Amusement and Gaming Corporation) na pumunta si roque at Ong sa kanilang opisina noong July 26, 2023 para sa isang meeting at ilang beses pa raw bumalik si Roque para sa license renewal nito.
Si Tan ay nagsilbi naman umanong head ng accounting department ng kompanya habang si Macabasa naman ang security compliance officer.
Itinanggi ni Roque na may kinalaman siya sa operasyon ng iligal na POGO hub at siniguradong haharapin ang mga kaso laban sa kanya.