Aklan News
2 persons of interest na umano’y bumugbog sa biktimang natagpuang patay sa Ibajay, boluntaryong sumuko sa mga kapulisan
Boluntaryong sumuko sa mga kapulisan ang dalawang lalaking person of interest sa pagkamatay ng kanilang tiyuhin na natagpuang wala ng buhay sa Ibajay nitong Sabado.
Batay sa ulat, pauwi na ang biktimang si Enrique Belinario, 32 anyos nang makasalubong nito ang dalawang pamangkin na sina alyas John Mark at Kevin na mga kapwa nakainom.
Sinsabing nagkaroon ng komprontasyon sa pagitan ng mga ito tungkol sa alitan ng magpamilya hanggang sa nauwi sa pambubugbog sa biktima.
Sinasabing nakauwi pa ng kanilang bahay ang biktima ngunit natagpuan itong wala ng buhay kinaumagahan.
Sumuko naman ang dalawang pamangkin nito matapos ang insidente dahil napag-alaman na may nakakitang binugbog nila ang biktima.
Hinihintay naman ngayon ang resulta ng autopsy para matukoy kung ano ang tunay na dahilan ng pagkamatay nito dahil sinasabing may iniinda rin itong sakit.