Aklan News
12IB, binigyan ng disenteng libing ang nasawing NPA sa Aklan
Nabigyan ng disenteng libing ang napatay na miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) sa naganap na engkwentro sa Aklan noong Oktubre 31, 2024 dahil sa pakikipag-ugnayan ng Army 12th Infantry (LICK ‘EM) Battalion sa local government unit ng Lemery, Provincial Government ng Iloilo, at Department of Social Welfare and Development 6 (DSWD 6).
Inilibing si alyas Vinmar, residente ng Lemery, Iloilo nitong Linggo sa isang pampublikong sementeryo.
Ayon kay LTC Vicel Jan C Garsuta, Commanding Officer ng 12IB, si Vinmar ay ikasiyam sa labing-isang anak.
Nalinlang umano si Vinmar ng CTG noong siya ay 17 anyos at kalaunan ay sumali sa armadong grupo at naging isang batang mandirigma.
Binigyang-diin naman ni LTC Garsuta ang kahalagahan ng “basic human dignity” maging sa mga miyembro ng CTG. Iginiit muli ni LTC Garsuta ang kanyang patuloy na panawagan sa mga natitirang NPA na magbalik loob na sa gobyerno.