Aklan News
MAG-AMA NAAKSIDENTE, ANAK SUGATAN, TATAY NAKA-ICU
Kalibo, Aklan – Kasalukuyang ginagamot ngayon sa Aklan Provincial Hospital ang mag-ama makaraang maaksidente sa motor sa alas-7 kahapon sa Brgy. Andagao, Kalibo.
Nakilala ang mga biktimang sina Joebert Timbas, 35 anyos ng at ang kanyang 5 taong gulang na anak na si “Jumuel”, kapwa mga residente ng Andagao, Kalibo.
Nabatid na habang tinatahak umano ng mag-ama ang kalsada malapit sa kanila ay nawalan ito ng balanse at tumumba.
Nagtamo ng mga sugat at gasgas sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang bata habang naka-ICU naman ang kanyang ama.
Napag-alaman na lasing si Timbas nang mangyari ang aksidente.
Continue Reading