Connect with us

Aklan News

Mahigit P270K na halaga ng droga, nasabat sa isanng construction worker sa Boracay

Published

on

Umabot sa mahigit P270,000 na halaga ng iligal na droga ang nasabat ng mga kapulisan sa isang construction worker na nahuli sa buy bust operation kaninang madaling araw sa Zone1 Sitio Cagban Brgy. Manocmanoc, Boracay Island, Malay.

Kinilala ang naarestong si Victorino Baldon, 35 anyos na tubong Catbalogan, Samar na kasalukuyang nakatira sa So. Cagban, Brgy. Manocmanoc, Boracay Island.

Nahuli si Baldon matapos na magbenta ng isang sachet ng pinaghihinalaang shabu sa isang poseur buyer kapalit ng P7600 na buy bust money.

Tinatayang nasa 40 gramo ng suspected shabu na nagkakahalaga ng P278, 800 ang nakuha pa sa posisyon sa suspect.

Ayon sa pulisya, halos dalawang buwan na siyang mino-monitor ng mga operatiba at ilang beses na ring na test buy bago tuluyang na buy bust.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.