Connect with us

Aklan News

Lalaki, umano’y pinaglaruan ang pototoy sa harap ng babae

Published

on

Nagsumbong sa mga kapulisan ang isang 24-anyos na babae matapos itong pakitaan ng ari ng isang lalaki at pinaglaro-laruan pa umano ito sa harap niya.

Nangyari ang insidente dakong alas-6:45 kaninang umaga sa Brgy. New Buswang, Kalibo.

Kwento ng naturang babae, dakong alas 6:30 umano ito dumating sa lugar kung saan papasok na sana ito ng trabaho.

Habang naghihintay siya ng kaniyang kasamahan na magbubukas ng kanilang pinagtatrabahuhan ay umupo muna ito sa isang kubo na kanila din umanong tambayan.

Sinasabing, doon na dumating ang isang lalaking malaki ang katawan na maitim at umano’y inilabas ang kaniyang ari.

Lumapit pa umano ang naturang lalaki habang nagmamasturbat*.

Lumabas nalang ang babae sa naturang kubo ngunit nagsalita pa umano ang lalaki na,” Maliya iya ne, pungko iya” na siya namang tinanggihan ng babae saka lumayo.

Makalipas ang higit limang minuto ay sinasabing umalis naman ang naturang lalaki.

Dahil sa kaba at pagkabigla ay minabuting ireport ng babae sa Kalibo MPS ang nangyari.