Connect with us

Aklan News

Mag-ina, tiklo matapos makuhaan ng P160K na halaga ng droga sa buy-bust ops sa Kalibo

Published

on

TIKLO sa drug buy-bust operation ng pinagsanib na puwersa ng PDEU Aklan at Kalibo PNP ang mag-inang umano’y nagbebenta ng iligal na droga sa New Buswang, Kalibo nitong Huwebes.

Nasa edad 57 na ang inang suspek habang ang kanyang anak naman ay 35-anyos na pawang mga residente ng nasabing lugar.

Nabilhan ang mga suspek ng isang sachet ng shabu kapalit ng P40,000 na buy-bust money.

Narekober din sa body search ang 2 cellphone na pagmamay-ari ng mga suspek.

Samantala pagkatapos ng buy-bust ay nagsagawa naman ng search warrant operation na inaprubahan ni Hon. Judge Montalid Patnubay.

Hinalughog ang bahay ng mga suspek at narekober sa loob ng kwarto ang isang wallet na naglalaman ng 3 pang dagdag na sachet ng iligal na droga.

Ayon kay PMAJ. Jerome Manahan, OIC Chief ng PDEU Aklan, matagal na umano nilang minamanmanan ang mga suspek.

Nasa mahigit 20 grams umano ang kabuuang narekober na droga at nagkakahalaga ito ng P160,000.

Mariing itinaggi naman ng mga suspek na sa kanila ang mga narekober na droga.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Kalibo PNP ang mag-inang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa RA.9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.