Connect with us

International News

Bangkay natagpuan sa wheel well ng isang eroplano sa Maui Airport sa Hawaii

Published

on

Natagpuan ng mga kapulisan ang isang bangkay sa wheel well o lagayan ng gulong ng eroplano sa Kahului Airport sa Maui Hawaii nitong Disyembre 25, araw ng Pasko.

Ayon sa Maui Police Department, patuloy ang kanilang imbestigasyon tungkol sa patay na katawan ng isang hindi pa nakikilalang indibidwal na natuklasan sa paparating na United Airlines Flight 202 mula sa Chicago O’Hare International Airport noong Disyembre 24.

Kinumpirma rin ng naturang airline na isang bangkay ang nakita sa isa sa kanilang mga landing gear.

Dagdag pa ng United Airlines, mabubuksan lamang ang wheel well sa labas ng eroplano at hindi pa klaro kung paano at kailan nakapasok sa landing gear ang indibidwal.

Sa ngayon, nakikipag-ugnayan na ang nasabing airline sa mga otoridad para sa karagdagdang imbestigasyon.

Continue Reading