Aklan News
Treasurer’s office ng LGU Buruanga, pinasok ng kawatan; Mahigit P343K, tinangay
Mahigit P340,000 na pera ang natangay ng hindi pa nakikilalang kawatan matapos nitong pasukin ang treasurer’s office ng mismong munisipyo sa bayan ng Buruanga.
Batay sa panayam kay PLT Rossine Mena Deputy Chief ng Buruanga PNP, kaninang madaling-araw umano nangyari ang insidente.
Sinasabing, niransak ng kawatan ang main door at agad tinumbok ang treasurer’s office kung saan naroon ang pera.
Sa kopya ng CCTV, nakadamit itong pambabae na kulay pink, nakapantalon at may takip na kulay itim na tela sa mukha.
Dagdag pa rito, winasak rin umano ng salarin ang isa sa mga monitor ng CCTV sa munisipyo.
Sa ngayon ay patuloy pa ang imbestigasyon ng Buruanga PNP para matukoy ang pagkakakilanlan ng suspek.
Continue Reading