Connect with us

Aklan News

Motor aksidenteng bumangga sa tricycle; Babaeng rider, sugatan

Published

on

Sugatan ang babaeng rider matapos na bumangga ang minamaneho nitong motorsiklo sa isang tricycle dakong alas-2:20 ng hapon nitong Linggo sa may intersection ng G.Pastrana St. corner XIX Martyrs St., Poblacion, Kalibo.

Napag-alaman na 60-anyos ang babaeng motorista na residente ng Brgy. New Buswang, Kalibo habang 20-anyos naman na taga-Numancia ang driver ng tricycle.

Batay sa imbestigasyon ng Kalibo PNP, binabaybay ng motorista ang XIX Martyrs St. papuntang Emcor ngunit pagdating sa may intersection ng lugar ay aksidente itong bumangga sa tricycle na mula naman sa Pastrana Street.

Dahil dito bahagyang pumailalim ang motor sa tricycle kaya’t nagtamo ito ng mga sira habang sugat naman sa paa at balikat ang tinamo ng motorista.

Kaagad ding nagresponde ang MDRRMO at Kalibo PNP kaugnay sa nangyari.