National News
703 kaso ng aksidente sa kalsada, naitala ng DOH
Umabot na sa 703 ang naitalang mga kaso ng aksidente sa kalsada sa bansa.
Batay ito sa datos na inilabas ng Department of Health (DOH) mula Diyembre 22, 2024 hanggang Enero 6, 2025.
Mas mataas ito ng 30.6% kumpara sa naitala noong nakaraang taon.
Sa kabuuang 703 cases, 127 rito ay naka-inom ng alak, 603 naman ang hindi nakasuot o gumamit ng safety accessories at 497 naman ay mga naka-motorsiklo.
Samantala, umakyat na sa walo ang mga nasawi kung saan lima rito ay dahil sa aksidente sa motorsiklo.
Kasunod ng tumataas na kaso, naghain naman si Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ng Senate Bill No. 1015 na naglalayong amyendahan ang Article 365 of Act No. 3815 o ang Revised Penal Code kung saan layunin nito na magtakda ng mas matinding parusa sa mga lumalabag sa batas trapiko, walang angkop na edukasyon sa pagmamaneho at pagsasaayos ng mga road infrastructure para tugunan ang reckless driving at paigtingin ang road safety.