Aklan News
Chapel sa tinigaw, nilooban; P1k collection mula sa misa, natangay
NILOOBAN ng hindi pa nakikilalang kawatan ang isang chapel sa Brgy. Tinigaw, Kalibo.
Batay sa Facebook post ni Sam Alomia, posibleng naganap ang insidente noong Disyembre 29, 2024 ng gabi.
Dagdag pa nito, nadiskubre ng caretaker na nilooban ang chapel dakong alas-4:00 ng madaling-araw ng Disyembre 30.
Tinangay ng kawatan ang tinatayang nasa ₱1,000 na pera at binunot pa nito sa saksakan ang CCTV kaya’t hanggang sa ngayon ay blangko pa rin ang pagakakilanlan ng salarin.
Hindi agad umano na-ireport ang nangyari dahil nakipag-ugnayan muna sila sa kasapi ng Parish Pastoral Council at napagpasyang isapubliko pagkatapos ng Bagong Taon.
Bukod sa nasabing pera ay wala ng iba pang nakuha ang suspek.
Napag-alaman na ito na ang ikatlong beses na nilooban ang chapel.