Connect with us

Aklan News

Rider, patay matapos sumalpok sa elf truck

Published

on

Dead on arrival sa ospital ang isang rider matapos sumalpok sa elf truck sa Barangay Odiong, Altavas bandang alas-8:00 nitong umaga ng Lunes.
Ang hindi na pinangalanang rider ay 26-anyos at residente ng Brgy. Aranas, Balete habang minamaneho naman ng 39-anyos na residente ng nasabing lugar ang elf truck.
Batay sa panayam ng Radyo Todo sa Altavas PNP, mula umano sa bayan ng Banga ang nasabing elf truck na may kargang buhangin at galing naman sa Batan ang motorsiklo.
Sinasabing, pagdating sa lugar ay paliko na sana ang truck para mag-unload ng buhangin nang mag-overtake naman ang biktimang rider sa kasunod rin nitong isa pang motor dahilan ng aksidente.
Posible umanong hindi napansin ng rider ang nasabing elf truck kaya’t dumeretso ito nang salpok.
Nagtamo ng tama sa ulo ang naturang biktima na kaagad dinala sa Altavas District Hospital ng MDRRMO ngunit idineklara na itong walang buhay.
Sa ngayon ay nasa kostudiya ng Altavas PNP ang driver ng truck para sa karampatang disposisyon. l Ulat ni Jisrel Nervar