Aklan News
Tricycle, bumaliktad matapos mabangga ng isang SUV


Bumaliktad ang isang tricycle matapos mabangga ng SUV sa may GM. Reyes Street, Poblacion, Kalibo, bandang ala-1 nitong hapon, Abril 14.
Ang tricycle ay minamaneho ng hindi na pinangalanang 28-anyos na lalaki at residente ng Poblacion, Kalibo at ang SUV naman ay minamaneho ng 42-anyos na lalaki, residente ng New Buswang, Kalibo.
Sa imbestigasyon ng Kalibo PNP, galing sa GM. Reyes St. ang tricycle at ang SUV naman ay galing sa Martelino St. papunta sa shopping center.
Pagdating sa crossing ay aksidenteng nabangga ng SUV ang nasabing tricycle sa kalagitnaan ng daan.
Dahil sa lakas ng pagkabangga, bumaliktad ang tricycle sa kalsada.
Nagtamo naman ng pananakit sa ulo at katawan ang driver ng tricycle.
Agad namang rumesponde ang Kalibo PNP sa lugar. l Ulat ni Jisrel Nervar
Continue Reading