Aklan News
Bahay sa Ibajay, natupok ng apoy; pamilya italia humihingi ng tulong matapos maabo ang tahanan at mga alagang manok


Nilamon ng apoy ang isang bahay sa Sitio Suong, Aparicio, Ibajay, nitong Abril 13.
Batay sa ulat ang bahay ay pagmamay-ari ni Eddie Italia, 71-anyos.
Ayon kay Marisol Italia, anak ng may-ari, wala umanong tao sa kanilang bahay dahil nanunuod sila ng liga sa kabilang barangay.
Nagulat na lang sila nang pagdating ay nilalamon na ng apoy ang kanilang bahay at wala na silang magawa sa kadahilanang malayo ang ilog na pinagkukunan ng tubig sa lugar.
Natupok ang lahat ng kagamitan sa loob ng bahay.
Hindi rin nakaligtas ang 17 manok na inaalagaan ng ama nito pati na ang mga feeds para sa alagang baboy.
Humihingi ngayon ang pamilya Italia ng tulong pinansyal dahil sa wala rin silang trabaho.
Nag-aaral pa umano ang mga anak nito kung saan nasunog din pati ang mga uniform nila sa paaralan.
Paliwanag ni Marisol, wala silang iniwang kahit anong bagay na pwedeng simulan ng apoy bago ito umalis sa pamamahay.
Sa ngayon ay nananatiling palaisipan para sa kanila ang dahilan ng pagkasunog sa kanilang tahanan. | Ulat ni Jisrel Nervar
Sa mga nais tumulong maaari po lamang na i-congact si Italia Sol sa Facebook o sa numerong 09616373040.
Continue Reading