Aklan News
Lola, pat*y matapos masunog ang bahay sa man-up, Altavas


NASAWI ang isang lola matapos matupok ng apoy ang tinutuluyang bahay sa Brgy. Man-up, Altavas nitong umaga ng Sabado, Abril 19.
Ang biktima ay edad 78-anyos samantalang ang kapatid nito ay maswerte namang nakalabas sa nasusunog na bahay.
Sa panayam ng Radyo Todo kay FO1 Aljon Lambarte ng Altavas BFP, nagsimula ang sunog mga bandang alas-5:10 ng umaga samantalang nakatanggap sila ng tawag makalipas ang sampung minuto.
Umabot pa sa ikalawang alarma ang sunog at idineklara namang fire out bandang alas-6:15 ng umaga.
Nagresponde naman sa lugar ang BFP-Altavas, BFP-Batan, BFP-Balete, Altavas PNP, at MDRRMO Altavas.
Tinatayang aabot sa 2 milyong piso ang naging danyos ng sunog batay sa Operations Manual ng BFP habang hinihintay pa ang pagsusumite ng Affidavit of Loss ng pamilya.
Napag-alaman na ang ancestral house ay pagmamay-ari ni Natividad Palmani.
Sa ngayon, patuloy pa ang imbestigasyon ng Altavas BFP sa pinagmulan ng sunog.
Continue Reading