Connect with us

Aklan News

Tricycle, bumangga sa bakod matapos mawalan ng kontrol

Published

on

Bumangga sa bakod ang isang tricycle matapos mawalan ng kontrol sa Estancia, Kalibo, bandang alas-4:24 nitong hapon, Abril 15.
Batay sa paunang imbestigasyon ng Kalibo PNP, ang tricycle ay minamaneho ng 19-taong gulang na lalaki, isang estudyante, at residente ng Purok 1, C. Laserna Street, Kalibo.
Sakay nito ang dalawang pasahero na 60-anyos na babae at 17-anyos na babae at pareho silang residente ng Tinigaw, Kalibo, Aklan.
Habang binabagtas ng tricycle ang direksyon mula Tigayon patungong Poblacion, Kalibo, nawalan ito ng kontrol sa kanto ng Cipriano Road, Estancia, Kalibo.
Dahilan kaya sumalpok ito sa isang bakod na gawa sa kawayan sa nasabing lugar.
Nagtamo ng mga sugat sa ulo ang 60-anyos na pasahero matapos bumangga sa salamin ng tricycle.
Agad naman itong dinala ng rumespondeng BFP Kalibo sa DRSTMH para sa kaukulang medikal na atensyon. l Ulat ni Jisrel Nervar