Aklan News
Lalaking may sakit na epelipsy, nalunod-pat*y sa Ibajay


Hindi na umabot nang buhay sa ospital ang isang 27-anyos na lalaki matapos na malunod sa Ibajay River dakong alas-5:00 ng hapon nitong Linggo, Abril 20.
Ang hindi na pinangalanang biktima ay residente ng Brgy. Laguinbanwa, Ibajay.
Ayon sa MDRRMO-Ibajay, naliligo sa ilog ang biktima nang umano’y magka-seizure attack dahilan ng kaniyang pagkalunod.
Samantala, sinubukan pang i-CPR ang biktima ng mga rumespondeng MDRRMO ngunit hindi na nasagip.
Dinala pa ito sa Ibajay District Hospital ngunit idineklara ring dead-on-arrival ng attending physician.l Ulat ni Arvin Rompe
Continue Reading