Aklan News
LGU Banga, nagpaalala sa mga content creators na maging responsable at maingat sa mga aksyon kasunod ng paghingi ng paumanhin ni Boy Kayak


Nagpaalala ang LGU Banga na maging responsable at maingat sa mga pino-post sa social media kasunod ng paghingi ng paumanhin ng content creator na si Boy Kayak, nitong Lunes, Abril 21.
Ito’y kaugnay sa isang “obscene” video content na ibinahagi ni Boy Kayak nitong Biyernes Santo kung saan makikitang naka-underwear lang ito habang sumasayaw sa Banga Rotonda.
Idinelete rin nito kalaunan ang naturang video at humingi ng paumanhin matapos itong batikusin ng mga netizens.
Nitong Lunes, pormal na nagkaharap ang content creator na si Boy Kayak at Banga Mayor Noel Redison nang ipatawag ito ng LGU Banga.
”Sa akong pag atubang kana kaina hay senciro nga nagpangayo it pasaylo sa anang hinimuan. Kabay pa nga mapatawad man naton si Boy Kayak paagi sa anang pag hinoe-soe ag pag pangayo [it] pasensya sa mga natungdan,” bahagi ng naging opisyal na pahayag ni Banga Mayor Noel Redison.
Aniya pa, hindi kinukunsinti ng kanilang tanggapan ang anumang di-kanais-nais na mga aksyon at umano’y hindi sila mag-aatubiling gumawa ng legal na mga hakbang kaugnay rito.
Matatandaang ang Banga Rotonda ay isang historical landmark ng naturang bayan at nagsisilbing alaala sa kabayanihan ng mga Banganhon na nagbuwis ng buhay noong World War 2. | Ulat ni Arvin Rompe
Continue Reading