Aklan News
Mixer truck na nawalan ng kontrol, tumagilid sa Batan


TUMAGILID ang isang mixer truck matapos na umano’y mawalan ng kontrol sa bahagi ng Sitio Himbis, Brgy. Lalab, Batan, bandang alas-10:45 ng umaga nitong Martes, Abril 22.
Sa imbestigasyon ng Batan PNP, mula ang truck sa bahagi ng Cabugao at papuntang Lalab, Batan.
Ngunit pagdating sa nasabing lugar ay nawalan ito ng kontrol dahilan para ito’y tumagilid.
Nagtamo ng galos sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang drayber at tatlong pahinante nito na agad namang binigyan ng first aid ng mga rumespondeng miyembro ng MDRRMO-Batan.
Sa ngayon, patuloy pa ang imbestigasyon ng Batan Municipal Police Station kaugnay ng nangyaring aksidente.l Ulat ni Arvin Rompe
Continue Reading