Aklan News
Lasing na driver ng motorsiklo, nabangga ng SUV


Nabangga ng isang SUV ang isang motorsiklo matapos itong biglaang sumulpot sa intersection ng Regalado Street at Martelino Street, Poblacion, Kalibo nitong hapon ng Abril 22.
Minamaneho ang motorsiklo ng isang 37-anyos na lalaki na residente ng C. Laserna Street, Poblacion, Kalibo, habang ang SUV naman ay minamaneho ng isang 69-anyos na lalaki na residente ng Ambolong, Batan.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Kalibo PNP, mabilis ang takbo ng motorsiklo na galing sa C. Laserna Street at nasa ilalim umano ng impluwensiya ng alak ang driver.
Pagdating sa intersection, hindi ito nagmenor dahilan upang mabangga ito ng SUV na nagmumula naman sa Martelino Street.
Nasira ang bumper ng SUV, habang nagtamo naman ng minor injuries ang motorcycle rider, na tumanggi namang magpadala sa ospital.
Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng Kalibo PNP sa naturang insidente.
Photos courtesy of Petix Akean
Continue Reading