Connect with us

Aklan News

Lasing na rider, sumalpok sa kasunod na SUV; sugatan ‎

Published

on

Sugatan ang isang rider matapos sumalpok ang minamanehong motorsiklo sa kasunod na SUV sa bahagi ng Jaime Cardinal Ave., Andagao, Kalibo bandang alas-11:00 ng gabi nitong Lunes, Abril 22.

‎Ang nasabing rider ay 21-anyos na taga Nalook, Kalibo at nasa impluwensya ng alak habang ang drayber naman ng SUV ay edad 30-anyos na kasalukuyang nakatira sa Poblacion, Kalibo.

‎Sa imbestigasyon ng Kalibo PNP, parehong tinatahak ng dalawang sasakyan ang direksyon mula sa Poblacion, Kalibo ngunit pagdating sa nasabing lugar ay doon na nangyari ang pagkasalpok.

‎Dahil sa impact, nagtamo ng mga galos sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang motorista.

Samantala, agad namang nagkasundo ang dalawang mga sangkot pagdating sa Kalibo Municipal Police Station. l Ulat ni Arvin Rompe

Photos courtesy of Petix Akean