Aklan News
Senior citizen, tinangkang tatagain ang kanyang bayaw


Tinangkang tagain ng isang 75-anyos na lalaki ang kaniyang bayaw sa bahagi ng Old Buswang, Kalibo nitong umaga.
Sa inisyal na impormasyon, ang naging dahilan ng pagsugod nito sa kaniyang bayaw ay dahil umano sa away sa lupa.
Armado pa ito ng kutsilyo at gutok, na napigilan naman ng kaniyang bayaw.
Sa ngayon ay hawak na ito ng mga kapulisan habang patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng Kalibo PNP kaugnay rito. l Ulat ni Arvin Rompe
Continue Reading