Aklan News
Bayaw, nambulyaw at umano’y nambasag pa ng bote; hipag na kapitbahay, nagreklamo


Inereklamo ng isang hipag ang kaniyang bayaw sa Kalibo PNP matapos umano itong mambulyaw at nambasag pa ng bote kaninang umaga sa bahagi ng Acevedo St., Poblacion, Kalibo.
Ayon sa 53-anyos na hipag ng lalaki, naalimpungatan umano ito at ang kaniyang mga kasama nang makarinig ng ingay sa labas ng kaniyang bahay.
Doon nito nakita ang kaniyang bayaw na nagbabasag ng bote saka siya’y pinagbantaan.
Dahil sa takot at pangamba, minabuti nalang nitong ipa-rekord ang nangyari sa Kalibo Municipal Police Station na kalauna’y ini-refer sa Barangay Justice System. l Ulat ni Arvin Rompe
Continue Reading