Connect with us

Aklan News

Kaso ng dengue sa aklan, bumaba sa 13

Published

on

NAKAPAGTALA ng 13 na panibagong kaso ng dengue ang lalawigan ng Aklan.
Batay ito sa latest Dengue Bulletin na inilabas ng Provincial Health Office (PHO) Aklan simula Abril 13 hanggang Abril 19, 2025.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming kaso ang bayan ng Ibajay na nakapagtala ng panibagong 4 na kaso at 17.1% attack rate.
Sinundan naman ito ng bayan ng Madalag na may dalawang kaso habang tig-isa naman ang naitala sa Altavas, Batan, Kalibo, Libacao, Nabas, New Washinton, at Numancia.
Ang nasabing bilang ay mas mababa kumpara sa 24 na nailista noong nakaraang Linggo.
Sa ngayon, mayroon ng kabuuang 334 na kaso ng dengue ang naitala sa lalawigan ngayong taon. l Ulat ni Rhealyn Ortega