Connect with us

Aklan News

Tar ball o oil debris nadiskubrehan sa harap ng isang hotel sa isla ng Boracay ‎

Published

on

Humigit-kumulang 125.6 kilo ng tarballs o oil debris ang nakolekta ng mga miyembro ng Philippine Coast Guard Sub-Station Boracay (CGSS Boracay) sa harap ng isang hotel sa isla ng Boracay.
Ayon sa ulat, nagreport sa PCG Boracay ang head ng security ng nasabing hotel matapos na may makitang mga tar balls sa baybayin.
Kaagad namang tumugon ang Coast Guard Boracay Boracay at nagsagawa ng clean-up operation ang Coast Guard Marine Environmental Protection Enforcement Response Unit (MEPERU)-Aklan, Recreational Safety Division, Cenro Boracay,at mga tauhan ng hotel.
Sa ngayon ay inaalam pa ng mga otoridad ang sanhi ng pagkalat ng Tar Balls at nagsasagawa na ng mga hakbang upang hindi maapektuhan ang baybayin sa isla ng Boracay.
Photos: Coast Guard District Western Visayas