Aklan News
Bahay sa Carpio RD., Brgy. Tigayon, Kalibo, nasunog


Natupok ng apoy ang extension ng isang bahay habang nadamay rin sa sunog ang ginagawang resthouse at katabi pang bahay sa Carpio Rd., Brgy. Tigayon, Kalibo nitong umaga ng Lunes.
Ang mga nasunog na bahay ay pagmamay-ari ni Noemi Ortega na kasalukuyang nasa ibang bansa at pinapatirhan lang nito sa kaniyang mga pamilya.
Sa pahayag ng isang caretaker, ang sunog ay nagsimula sa bahagi ng dirty kitchen ng bahay kung saan agad itong kumalat sa ginagawang resthouse na gawa sa mixed materials.
Samantala, ayon pa sa isang trabahador ng resthouse ay malaki na ang aniya ang apoy nang kanilang mapansin.
Nagresponde naman kaagad sa lugar ang Community Fire Action Group ng Poblacion, Kalibo at BFP-Kalibo kung saan idineklara itong fire under control dakong alas- 10:15.
Sa ngayon patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng BFP-Kalibo kaugnay sa pinagmulan at kabuuang pinsala ng nangyaring sunog. l Ulat ni Arvin Rompe
Continue Reading