Aklan News
Wanted person sa kasong pangg*gahasa, arestado na


ARESTADO na ang isang Wanted Person sa kasong Pangg*gasaha matapos na silbihan ng Warrant of Arrest ng Kalibo PNP nitong Lunes ng hapon.
Ang akusado ay isang 29-anyos na lalaki at residente ng Bayanihan Road, Andagao, Kalibo.
Nilagdaan ni udge Ma. Theresa Chan Bueno ng National Capital Judicial Region Branch 5, Manila ang nasabing Warrant of Arrest na may Criminal Case No. 15-311807.
Batay sa ulat, matagal na umano nangyari ng insidente ng panghahal*y ngunit noong nakaraang taon July 28,2024 lang nailabas ang warrant.
Samantala, wala namang inirekomendang piyansa ang korte sa nasabing kaso.
Sa ngayon ay nasa kustodiya na ito ng Kalibo PNP na nakatakdang iharap sa korte.l Ulat ni Kiervy Revesencio
Continue Reading