Aklan News
“Alyas buwaya”, timbog sa ikinasang drug buy-bust ops; 18k na halaga ng shabu, nasamsam ng otoridad


Timbog ang isang lalaki sa ikinasang drug buy-bust operation ng mga otoridad sa Purok 3, C. Laserna St., Poblacion, Kalibo kagabi, Abril 28.
Kinilala ang suspek kay Orville Constantino alyas “Buwaya” 45-anyos at residente ng nasabing lugar.
Nabilhan si Constantino ng 1 sachet ng suspected shabu kapalit ng P8,000 na buy-bust money.
Sa isinagawang body search nakuha pa ang dagdag na 3 sachet ng suspected shabu na nakalagay sa isang maliit na papel.
Ang lahat ng mga nakumpiskang ilegal na droga ay tinatayang nagkakahalaga ng P18,000.
Si Constantino ay dati na ring nakulong sa kaparehong kaso.
Ang operasyon ay pinangunahan ni PMaj Frenzy Andrade, ACOP ng Kalibo PNP, at Aklan PPO PDEU.
Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Kalibo MPS ang suspek at mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.l Ulat ni Jisrel Nervar
Continue Reading