Connect with us

Aklan News

Dahil sa utang, lalaki tinaga ng pinsan sa Libacao

Published

on

TINAGA ng sariling pinsan ang isang 49-anyos na lalaki sa Sitio Belen, Brgy. Rosal, Libacao nitong hatinggabi ng Linggo, Abril 27.
‎Kinilala ang biktima kay Jenwel, 49-anyos, at residente ng Alfonso XII, Libacao habang ang pinsan nito ay kinilalang si Jonel at taga Sitio Belen, Rosal Libacao.
‎Sa impormasyong nakalap ng Radyo Todo, dakong alas-6:00 ng hapon nang magsimulang mag-inuman ng tuba ang biktima at iba pa nitong mga kasamahan sa lugar.
‎Makalipas naman ang halos isang oras ay napadaan si Jonel upang sana’y hintayin ang isa pa nitong kasama at nakipag-inuman.
‎Bunsod ng kalasingan ay nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng dalawa dahil sa naging utang ni Jenwil kay Jonel.
‎Kalauna’y bumunot ng talibong si Jenwel at tinaga si Jonel na tinamaan naman sa balikat.
‎Binunot rin nito ang dalang talibong at gumanti ng taga na tumama naman sa mga kamay ni Jenwel.
‎Nang maawat ang dalawa ay naunang umalis sa lugar si Jonel.
‎Samantala, nitong umaga ng Lunes ay dinala naman sa ospital ang biktima at kasalukuyan pang ginagamot. l Ulat ni Arvin Rompe