Aklan News
P720k naitalang danyos sa sumiklab na sunog sa Tigayon


Umabot sa kabuuang P720,000 ang naitalang danyos sa sumiklab na sunog sa Carpio Rd., Brgy. Tigayon, Kalibo nitong umaga ng Lunes, Abril 28.
Sa pahayag ni FO1 Jan Ryl Magno ng BFP-Kalibo, maaari pang madagdagan ang kabuuang halaga sa pagpasa ng Affidavit of Loss ng pamilya.
Kung matandaan, natupok ng apoy ang dalawang palapag na bahay na gawa sa mixed materials.
Samantala, partially burned naman ang kasalukuyang ginagawang 2-storey resthouse gayundin ang katabing bahay.
Naabo rin ang mga appliances, personal na kagamitan, at mga importanteng dokumento ng pamilya.
Sa ngayon ay hindi pa matukoy ang tunay na pinagmulan ng apoy kaya’y patuloy pa ang imbestigasyon ng BFP-Kalibo kaugnay rito. l Ulat ni Arvin Rompe
Continue Reading