Connect with us

Aklan News

Dating Kalibo Mayor at PAPI President Johnny Dayang, binaril-patay sa kanilang bahay sa Kalibo

Published

on

File Photo: Katodo DK Paderes/Radyo Todo

DEAD ON ARRIVAL ang dating alkalde ng Kalibo at longtime president ng Publishers Association of the Philippines Inc. (PAPI) na si Juan “Johnny” Dayang matapos barilin sa kanilang bahay sa Villa Salvacion, Barangay Andagao, Kalibo bandang alas-8 ng gabi nitong Martes.

Sa inisyal na impormasyon, nagpapahinga sa kanyang rocking chair sa harap ng telebisyon ang 89-anyos na biktima nang barilin ng hindi pa nakikilang suspek.

Pinaniniwalaang sa labas ng bakod malapit sa bukas na pinto ng bahay pumwesto ang gunman na may layong hindi lalampas sa 7 metro sa pwesto ng biktima.

Matapos ang krimen ay agad itong tumakas sakay ng motorsiklo.

Ayon naman sa mga kasamahan nito sa bahay, nakarinig sila ng tatlong sunod na putok ng baril hanggang sa nakita nila ang biktima na duguan na.

Nagtamo ng sugat sa leeg at likod si Dayang na dahilan ng kanyang pagkamatay.

Kaagad naman itong isinugod sa Aklan Provincial Hospital ngunit idineklarang dead on arrival ng kanyang attending physician.

Napag-alaman na nitong nakaraang mga araw hanggang kaninang umaga ay may mga namataan silang mga naka-motorsiklo na lalaki na naka-bonnet na umaaligid sa labas ng bahay ng biktima.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga kapulisan sa nangyaring krimen.