Connect with us

Aklan News

Pro 6 Director Wanky, nagtungo sa bahay ng pinaslang na beteranong mamahayag para magsagawa ng malalimang imbestigasyon

Published

on

NAGTUNGO si PRO 6 Regional Director PBGen. Jack Wanky sa bahay ni Johnny Dayang para personal na magsagawa ng imbestigasyon kaugnay sa karumal-dumal na pagpaslang sa beteranong mamamahayag sa Aklan.

Isang case conference din ang isinagawa para mas matutukan ang nasabing kaso.

Matatandaang binaril-patay si Dayang habang nagpapahinga sa kanyang rocking chair sa sala ng kanilang bahay nitong Martes ng gabi.

Nagtamo ito ng tama ng pagbaril sa kanyang leeg at likod na isinugod pa sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa nangyaring krimen.