Aklan News
“The philippine national police will not rest until those responsible are brought to justice”


Ito ang ipinasiguro ng pamunuan ng Pambansang Pulisya kasunod ng pagbaril-patay sa beteranong mamamahayag na si Juan ‘Johnny’ Dayang sa mismong bahay nito sa Kalibo, Aklan nitong Martes, Abril 29.
Ayon kay PNP Chief Police General Rommel Francisco D. Marbil, mariing kinokondena ng pulisya ang karumal-dumal na pagpaslang sa beteranong mamahayag.
Aniya, si Dayang ay hindi lamang isang respetadong mamamahayag kundi isang pundasyon ng media sa Pilipinas.
“To harm a man of his age and stature, in the safety of his own home, is both an affront to human decency and an attack on the very principles of press freedom he upheld throughout his life,” dagdag pa ng opisyal.
Ipinasiguro ni Marbil na, “The Philippine National Police will not rest until those responsible are brought to justice.”
Sinabi rin ni Marbil na pinakilos na nila ang lahat ng kanilang mga regional unit at investigative teams, kabilang ang PNP Media Vanguards, upang matiyak na maibibigay ang hustisya para kay Dayang.
Hinihimok ng PNP ang sinumang may impormasyong may kinalaman sa kaso ng pagpaslang sa mamamahayag na lumapit at tumulong sa mga awtoridad sa isinasagawang imbestigasyon.
Continue Reading