Aklan News
Binata, sinaksak ng barkadang binatilyo matapos magkapikunan sa isang lamay


SINAKSAK ng binatilyo ang isang binata matapos na umano’y magkapikunan sa lamay sa Linabuan Sur, Banga bandang alas-4:00 ng madaling-araw nitong Linggo, Mayo 4.
Ang biktima ay kinilalang si John Russel Robelo, 19-anyos at residente rin ng naturang barangay habang ang suspek naman ay isang menor-de-edad na kabarkada rin nito.
Sa imbestigasyon ng Banga PNP, parehong nakainom ng nakalalasing na inumin ang dalawa nang inasar ng suspek ang nakababatang kapatid ng biktima.
Dahil dito, nagalit ang biktimang si Robelo at nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan nila ng suspek na umabot pa sa suntukan.
Dito na umano bumunot ng dalang kutsilyo ang nasabing menor-de-edad at sinaksak sa tagiliran si Robelo.
Kaagad isinugod sa Aklan Provincial Hospital ang biktima para sa kaukulang pagpapagamot.
Samantala, kasalukuyan pang tinutugis ng Banga PNP ang menor-de-edad na suspek sa nasabing pananaksak. l Ulat ni Arvin Rompe
Continue Reading