National News
SUV, inararo ang mga tao sa walkway ng naia terminal 1; 2 pat*y


PAT*Y ang dalawang indibidwal matapos itong araruhin ng isang SUV sa walkway hanggang sumalpok sa entrance ng Departure Area ng NAIA Terminal 1 sa Pasay City, dakong alas-9:00 ng umaga nitong Linggo, Mayo 4.
Sa report ng Philippine Red Cross, ang mga nasawi ay kinabibilangan ng isang lalaki at isang 4 na taong gulang na babae.
Dagdag pa rito, hindi pa matukoy sa ngayon ang bilang ng mga taong nasugatan.
Kasalukuyan namang nasa kustodiya ng mga kapulisan ang drayber ng SUV na kinilalang si Leo Gonzales.
Depensa ni Gonzales, nataranta ito ng may tumawid na sasakyan sa kanyang harapan dahilan upang maapakan niya ang selenyador sa halip na preno.
Samantala, nagsasagawa pa ng full investigation sa nangyari ang New NAIA Infra Corp. (NNIC), PNP, at Manila International Airport Authority (MIAA) Security. l Ulat ni Arvin Rompe
Photos: Philippine Red Cross
Continue Reading