Aklan News
Bahay sa Mabilo, Kalibo, nasunog


Halos lamunin ng apoy ang isang bahay sa Sitio Pudlon, Mabilo, Kalibo bandang ala-12:40 ng hapon nitong Linggo, Mayo 4.
Pagmamay-ari ang naturang bahay ni Jhun Real “Bangs” Melgar.
Ayon sa kapitbahay nitong si Abby, napansin nalang nilang sumiklab na ang apoy matapos na may pumutok mula sa loob ng bahay.
Nagtulong-tulong naman ang mga residente na maapula ang apoy sa pamamagitan ng pagsaboy rito ng tubig mula sa baybayin.
Rumesponde naman ang BFP-Kalibo, ilang miyembro ng Kalibo PNP at MDRRMO Kalibo.
Napag-alaman na bago pa man ang insidente ay naunang pumutok ang kuntador mula sa poste ng kuryente.
Dagdag pa ni Bangs Melgar, wala umanong suplay ng kuryente ang kanilang bahay simula pa kagabi.
Wala namang naiulat na nasaktan sa nangyari. l Ulat ni Arvin Rompe
Continue Reading