Connect with us

Aklan News

‎“Ingat lang kase may asong si marites ang pangalan.”

Published

on

Good-vibes ang hatid ng buyer sa isang delivery rider matapos nitong maglagay ng nakakaaliw na address label ng ipapade-deliver nitong parcel.
‎Kwento ni Jaylord ng Makato sa Radyo Todo, nakatakda sana niyang i-deliver ang isang parcel kahapon, Mayo 5, nang mapansin niya ang kakaibang address ng buyer.
‎Makikita sa label: “Kalye Guba Street, Cajilo, sa bahay ni idol oma, ingat lang kase may asong si Marites ang pangalan.”
‎Ani Jaylord, nang maihatid niya ang parcel ay tinanong niya ang buyer kung nasa loob ba ng bahay ang aso nitong si Marites.
‎Sagot naman ni Chariz, nandoon naman daw si Marites, pero tila nakatago kaya hindi umano naabutan ni Jaylord.
Dahil dito ay natawa nalang ang nasabing rider at napawi ng kaunti ang kaniyang pagod dahil sa nakakaaliw na paandar ng buyer. l Ulat ni Arvin Rompe