Connect with us

Aklan News

Delivery van na may kargang manok, tumagilid sa panayakan, Tangalan

Published

on

TUMAGILID ang isang delivery van na may kargang dressed chicken sa bahagi ng Campo Verde, Panayakan, Tangalan nitong umaga, Mayo 6.
Ayon sa Tangalan PNP, mula sa Iloilo at papuntang Caticlan ang nasabing delivery van.
Nawalan umano ng control ang driver sa pakurbadang bahagi dahilan ng aksidente.
Mabuti nalang at ligtas naman ang driver at ang pahinante nito.
Sa ngayon ay nadiniskarga na ang mga kargang dressed chicken at ilipat sa isa pang delivery truck. l Ulat ni Jisrel Nervar
Photos: Regie Templo