Aklan News
Rider sumalpok sa sinusundang pampasaherong jeep, sugatan


Sugatan ang isang motorcycle rider matapos bumangga ang kanyang minamanehong motorsiklo sa likurang bahagi ng isang pampasaherong jeep sa Brgy. Pudiot, Tangalan, bandang alas-11:40 ng umaga nitong Miyerkules, Mayo 14.
Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Tangalan PNP, galing sa Kalibo ang jeep na minamaneho ng isang 46-anyos na lalaki at patungong Caticlan.
Samantala, ang rider ng motorsiklo na tinatayang nasa 30-anyos ay galing umano sa Roxas Airport at patungo naman sa Pandan, Antique.
Pagdating sa lugar na insidente, aksidenteng sumalpok ang motorsiklo sa kaliwang bahagi ng jeep habang nagsasakay ito ng pasahero.
Dahil sa lakas ng impact, nagtamo ng iba’t-ibang sugat sa katawan ang rider.
Agad namang isinugod sa ospital ng mga rumespondeng tauhan ng MDRRMO-Tangalan ang biktima.
Ayon sa mga awtoridad, nagkaayos naman ang dalawang panig na sangkot sa aksidente. | Ulat ni Jisrel Nervar
Continue Reading