Connect with us

Aklan News

Pick-up na biglang tumawid, nabangga ng isang jeep sa Numancia

Published

on

Bumangga ang isang pampasaherong jeep sa isang Toyota Hilux sa national highway na sakop ng Barangay Bulwang, Numancia, Aklan, umaga nitong Mayo 13.
Ayon sa ulat ng Numancia Municipal Police Station, minamaneho ni Adriano Rogan, 57-anyos, residente ng Brgy. San Ramon, Malinao, ang nasabing jeep na patungong Kalibo sakay ang mga pasahero nang mangyari ang insidente.
Bigla umanong tumawid sa highway ang Toyota Hilux na minamaneho ni Jemeton Sabio, 44-anyos, residente ng Brgy. Santa Clara, Oton, Iloilo, dahilan upang tumama ang jeep sa driver side at harap na bumper ng pick-up.
Agad naman itong niresponde ang mga tauhan ng Numancia PNP.
Walang nasaktan sa mga pasahero ng jeep ngunit parehong dinala sa istasyon ang dalawang sasakyan para sa kaukulang disposisyon.l ulat ni Jisrel Nervar