Connect with us

Aklan News

AKELCO nag-upgrade na sa ginagamit na linya ng kuryente para iwas power interruptions

Published

on

Photo: Aklan Electric Cooperative Inc.

NAG-UPGRADE na sa ginagamit na linya ng kuryente ang Aklan Electric Cooperative (AKELCO) upang maiwasan ang mga unscheduled power interruptions sa lalawigan.

Sa panayam ng Radyo Todo kay AKELCO General Manager Atty. Ariel Gepty, inihayag nito na ito ang nakikita nilang posible at epektibong hakbang upang maiwasan ang mga hindi inaasahang brown-out.

Aniya, ang kadalasan kasing dahilan ng brown-out sa Aklan ay mga animal at plant intrusions.

Dahil dito, unti-unti nang pinapalitan ng Akelco ang mga linya ng kuryente mula sa bare wires patungong tree wires.

“Ro tree wires ngara hay isolated, may putos eon. Malikawan bisan may una nga sumandig nga kahoy hay ruyon hay indi basta-basta nga mapaeong [unless matumba ro poste o may una gid-a nga samad ro feeder], basta mga daeagko nga problema,” paliwanag ni Gepty.

Sa pamamagitan aniya ng tree wires ay malilimitahan na ang mga intrusions na dahilan ng power interruptions.

“May mga portion lang nga open sa mga poste kung siin idto ro looping pero may una eon nga gina-estudyuhan nga proteksyon. May mga tikang man kita nga ginahimo agod nga ma-correct rayang mga problema,” dagdag pa nito.

Sa katunayan ayon kay Gepty ay nagsisimula na ang kanilang implementasyon ng migration ng mga bare wires patungong tree wires.

“Gin-una namon ro pa-Libacao ngara ag ginatinguha namon nga matapos. May improvement eon ay owa eon sanda haeos it interruption.”

Samantala, susunod naman na papalitan ng tree wires mula sa bare wires ay ang bayan ng Kalibo.