Connect with us

Aklan News

“Kawawa po yung mga riders na bumibili dito tapos nahuhuli po namin sa daan”

Published

on

Ito ang iminungkahi ni i LTO Chief Marlon Velez sa empleyado ng isang establishment na nagbebenta ng mga helmet sa Kalibo. Ani pa ni Velez, dapat ang mga ibinebentang helmet ay may Import Commodity Clearance (ICC) sticker o a Philippine Standard (PS) mark.

Dagdag pa niya, kung walang ibinebentang hindi angkop na helmet ay wala rin sanang magiging violation ang mga riders.

Nagsasagawa ngayong araw ang LTO at DTI ng joint monitoring of establishments na nagbebenta ng non standard.

Pinangunahan ito ni LTO Aklan Chief Marlon Velez at Aklan Provincial Director Romel Amihan ng DTI.
Ang nasabing monitoring ay para maiwasang magbenta ng ilang mga establishment ng mga helmet na Sub-standard na hindi pwedeng gamitin ng mga motorista.
Kabilang sa mga ininspeksyon ay ang mga sumusunod na establishment:
1. Ride Zeph Motorgear and Helmet Shop
2. Unitop General Merchandise
3. Dick’s Motorcycle
4. CFI Motor Vehicle Parts and Accessories Shop
5. Xinthai Motorcycle Parts
6. Happytop Motorcycle Parts and Accessories Shop
7. JS5 Family
8. Fu’s General Merchandise
9. Fu’s Shopping Mall
Ilan sa mga nasabing shop ay pinatanggal ang mga helmet na walang ICC Stickes at PS Marks o hindi Standard para hindi na maibenta pa.
Nagpaalala naman si DTI Provincial Diector Romel Amihan na huwag na magbenta nito dahil kung sakaling mahuli nila ang nga ito ay kukumpiskahin ang kanilang paninda at pagmumultahin ang mga ito.