Connect with us

National News

Kampanya vs ilegal na droga, mas pinaigting ng PNP

Published

on

Mas pinaigting ng Philippine National Police (PNP) ang kampanya laban sa ilegal na droga alinsunod sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tugisin ang mga sindikato at street-level offenders.
Sa ulat mula Mayo 4 hanggang Mayo 17, 2025, nagsagawa ang PNP ng 664 operasyon na nagresulta sa pagkakaaresto ng 588 katao at nasamsam ang 2,082 gramo ng shabu at 23 gramo ng marijuana na may halagang Php14.16 milyon.
Ayon kay PNP Chief PGen. Rommel Francisco D. Marbil, mananatiling agresibo ang operasyon kontra droga.
“Hindi kami titigil hangga’t hindi ligtas sa ilegal na droga ang ating mga komunidad,” aniya.
Inihahanda rin ni PBGEN Jason Capoy ng PDEG ang bagong anti-drug strategy upang palakasin ang operasyon, intelligence, at pakikipag-ugnayan sa mga komunidad at tiniyak din ng PNP ang patuloy na pakikipagtulungan sa PDEA.
Hinikayat ang publiko na makiisa sa kampanya sa pamamagitan ng pagsusumbong ng mga ilegal na aktibidad. l Ulat ni Jisrel Nervar
Continue Reading