Connect with us

Aklan News

Bahay sa Ambolong, Batan, nasunog; danyos, aabot sa ₱16k ‎

Published

on

NATUPOK ng apoy ang isang bahay sa Sitio Bantud, Ambolong, Batan nitong Miyerkules ng hapon, Mayo 21.
‎Ang nasunog na bahay ay pagmamay-ari ng 34-anyos na residente ng nasabing lugar.
Sa panayam kay FO1 Joshua Montecer ng BFP-Batan, nakatanggap sila ng tawag bandang ala-1:40 ng hapon.
‎Idineklara namang fire-out ang nangyaring sunog matapos ang mahigit 20 minutos.
‎Tinatayang aabot sa ₱16,800 ang danyos ng naturang sunog, batay na rin sa BFP Operational Procedures Manual.
‎Napag-alamang ang bahay ay gawa sa mixed materials.
‎Sa ngayon, patuloy pa ang imbestigasyon ng BFP sa pinagmulan ng sunog. l Ulat ni Arvin Rompe