Aklan News
Miyembro ng LGBTQIA+ arestado sa drug buy bust ops sa Kalibo; 7 sachet ng suspected shabu, nasabat


Timbog ang isang myembro ng LGBTQIA+ sa ikinasang drug buy-bust operation sa Purok 2, C. Laserna St. Poblacion, Kalibo nitong Huwebes ng gabi, Mayo 22.
Kinilala ang suspek na si Aldin Duran y Maatubang, 48-anyos, residente ng Poblacion, Banga.
Nabilhan si Duran ng 1 sachet ng suspected shabu kapalit ng P7,000 na buy-bust money.
Sa isinagawang body search, nakuha sa posisyon ng subject ang karagdagang 6 na sachet ng suspected shabu na nakalagay sa kaha ng sigarilyo at pitaka nito.
Ayon kay PMaj. Frenzy Andrade, Hepe ng Kalibo Municipal Police Station, konektado si Duran sa huling na aresto na si Alyas Buwaya.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. | Ulat ni Jisrel Nervar
Continue Reading