Connect with us

Aklan News

Dalawang motorsiklo, naaksidente sa Batan; parehong rider, sugatan

Published

on

 

Sugatan ang parehong rider sa nangyaring aksidente sa Brgy. Ambolong, Batan bandang alas-9:00 nitong umaga, mayo 27.

Ang isang driver ay 28-anyos na lalaki habang ang isa naman ay 73-anyos na lalaki at parehong residente ng nasabing lugar.

Ayon sa ulat ng mdrrmo batan, nakatanggap sila ng tawag bandang alas-9:30 at agad rumesponde sa lugar.

Naabutan nila ang parehong driver na nakaupo at tinutulungan ng mga residente.

Ang isang motorsiklo ay dumiretso sa palayan bunsod ng aksidente.

Agad namang isinugod ang parehong driver sa altavas district hospital para sa kaukulang medikal na atensyon. Ulat ni jisrel nervar